(Freddie Aguilar)
I
Nung isang araw sa may tapat ng pintuan
May isang mama at may dala siyang sulat
Nang basahin ko humihingi siya ng tulong
Dahil daw sa kanyang anak na maysakit
Siya'y amoy-alak, mata'y namumula
Kaya daw naglasing, dahil sa problema
Ii
Sa awa ko, dinukot ko ang piso sa bulsa
Ang sabi niya, ay mama kulang dagdagan pa
Kaya ako dumukot ng sampo dinagdagan
Siya nama'y nakangiti at biglang lumisan
Siya'y sinundan ko, di n'ya nalalaman
At siya'y nakita kong pumasok sa ihaw-ihaw.
Iii
Ako'y lumapit sa kanya
At siya ay nabigla,
Para bang nakakita ng multo ang mama
Oh ilan kaya ang tulad ng taong ito?
May dalang sulat upang manloko ng kapwa
Pag nakita n'yo, itong taong ito
Mag-ingat kayo,
Baka kayo'y maloko.
Pag nakita n'yo, itong taong ito
Mag-ingat kayo,
Baka kayo'y maloko